Search

Teensy Weensy Gal

Indulge in my messy universe.

Tag

Hiling

‘Paalala ni Mama’

Laging paalala sa akin ni Mama
na kapag dumating na raw ang tamang oras
at panahon,
ipagdasal ko raw sa Panginoon
ang tamang lalaki para sa akin.
Oo, hilingin ko daw sa Diyos.
Para raw hindi ako magkamali sa pagpili.
Para raw hindi mapunta sa akin
ang kung sino-sino lang.
Para raw mapasa’kin ang tunay na nakalaan.
Ang tunay na nakatadhana.
Isang tao na may respeto.
Paggalang na hindi kukupas sa paglipas ng panahon.
Isang tao na hindi magsasawa at mapapagod
na punan ang mga kahinaan ko.
Isang taong tatanggap sa aking pagkatao
at mamahalin ang buong ako nang walang pag-iimbot.
Iyong hindi raw mawawala ang pagiging maginoo
kapag nagtagal na.
Iyong palaging hahawakan nang may
pag-iingat ang aking maselang puso.
Iyong maiintindihan ang aking
sensitibong damdamin.
Iyong hindi matatakot sa
madidilim na bahagi ng aking pagkatao.
Iyong magdidiwang kasama ko
sa bawat masasayang araw.
Susulitin ang mga iyon dahil alam niyang
hindi naman iyon nagtatagal.
Na pagkatapos ng mga halakhak at tawanan,
susunod ang mga iyak at pighati.
Laging paalala ni Mama
na kapag dumating na raw ang tamang oras
at panahon,
ipagdasal ko raw sa Panginoon
ang tamang lalaki para sa akin.
Kaya naman Bro,
kapag panahon na,
at tinanong kita,
sana sagutin mo ako
nang hindi ako maguluhan.
Mawala.
Mapariwara.
Makulong panghabambuhay sa
isang relasyon na sa una pa lang
ay isang istorya
na di dapat ako bahagi at kasama.

Words by MV Sorima  #SpokenWordPoetry

*A hit in ‘The Artidope’

Advertisements

‘Hiling’ (Wish): A Debut Spoken Word Poetry Performance

This is my piece entitled HILING. I performed this in a spoken word poetry performance last March 31, 2017 in our #Tag2Youth variety show in Intro to Mass Communication. Nikko Artuz sung to the tune of Hiling by Mark Carpio before and after my performance. It was indeed memorable, well isn’t every ‘first’ is?

I stumbled in some words, and I forgot some lines HUHU. Still, I was able to pull it off through God’s grace. Before, I never thought that I can do such thing. I remember watching Juan Miguel Severo, a famous spoken word artist here in the Philippines. I admire him a lot. As I listened to him, I fell for the art, but I said to myself that I won’t be able to do that. For me, it’s like too much. Then, this happened. I feel like I am unstoppable now. Never thought that only one forced performance will unleash me into this art that I am swooning over ever since.

Thank you Mary Joy Bacolod for the opportunity. She’s the director of our variety show. I owe this to her for she arranged this part that showcased a budding talent. Also, Nikko Artuz will never be forgotten because he’s a part of this wonderful experience!

'Hiling' my first ever spoken word performance, March 2017 (6).jpg
(c) Dom Mangubat

HILING 

MV Sorima

Sabi ng mga nakatatanda,

huwag daw madaliin ang pag-ibig.

Sapagkat para itong pagtalon sa isang

karagatang may rumaragasang mga alon.

Ang pagsuong ay dapat tantyahin

nang ikaw ay huwag magkamali.

Kailangan mong huminga nang malalim

bago tumalon sa isang madilim na yungib na

wala kang kasiguraduhan kung ano ang ikinukubli.

Sabi ng mga nakatatanda,

huwag daw madaliin ang pag-ibig.

Nakinig ako sa kanila.

Ginugol ang bawat sandali na

mapalago ang aking sarili.

Hindi hinahanap ang pag-ibig,

sapagkat ito ang sayo’y huhuli.

Hanggang sa isang araw, nakita kita.

Bumuka ang langit.

Nasaksihan ko kung paanong nagkakulay ang mundo

na dati pala’y tanging puti at itim.

Ngayon alam kong handa na ako,

at ikaw ang pinipili ko.

Ikaw ang gusto ko.

Ang tayo ang gusto ko.

Sabay tayong bumulusok patungo sa mga

bagay na sabay nating tutuklasin.

Pagbigyan mo naman sana ang aking hiling.

Dahil sa maniwala ka man o sa hindi,

sasabog na ang aking dibdib.

Sapagkat labis kitang ninanais.

At sana…ako din ang iyong piliin. 

P.S. There’s a video of me performing this piece. Still waiting for it tho… Will be posted soon when I get it.

DSC_0276.jpg
Nikko Artuz (c) Dom Mangubat

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: